Friday, July 4, 2008

LRT station

Ako'y nagmasid-masid. Siksikan na naman. Sa sampung kataong nasa LRT, isa dito ang may earphones na nakasalampak sa tenga.

...at isa na ako sa isa sa sampung yun.

Hindi ko namalayang muntikan na akong lumagpas sa UN station dahil 'di ko nadinig ang boses na dapat nagsabing "UN station, united nations" Bagama't dalawang linggo pa lang akongpatuloy na sumasakay ng tren, memoryado ko na ang nga istasyong dinadaanan ko. Pero bakit ganun. Lalagpas na sana ako.

Sa saliw ng PASUBALI (spongecola), aking kinukubli na ako ay nagkamali. Iyon ay dahil sa hindi ko ito nadinig.

Nasa jeep nako. At alam kong alas-otso na.

"Wala pa nung myx, wala pa nung mtv...wala pa nung internet, wala pa nung iPod, o mp3..."

Oo, dati wala pa nun. Kaya naririnig ang bawat tao. Walang nagkakamali. Walang sagabal.

Marahil ang gobyerno natin ay naka-iPod na rin...

Kelangan muna magkasigawan bago magkarinigan. Walang kaayusan, halos pulos pagkakamali.

Ang Pilipinas ay lumagpas na sa kanyang bababaang istasyon. Naligaw na...

Late na'ko. Kean kaya ako magbabago? Lagi na lang akong napag-iiwanan. Parang kakambal ko ang kaplaran ng ating bansa. Laging huli.

"...Pitong araw lang, hindi natikman ang liwanag..."

1 comments:

Jeremy said...

I guess, I'm also left behind by the current flow of our society...