Friday, October 17, 2008

Tagu-taguan, Maliwanag ang Buwan

Ang alam ko, masaya ako.

Hindi ko namalayang madilim na. masyado kasi akong nawili sa pakikipagkwentuhan sa mga kaklase ko. Mag-aalas siyete nap ala ng gabi. At kahit tinatamad pakong umuwi, wala akong magagawa dahil sermon na naman ang sasalubong sa akin pagdating ko sa bahay. Hanep, daig ko pa ang nag-simba.

Ngayon ko lang napansin na wala yung paborito kong tinitignan sa langit, ang Venus. May nakapagsabi kasi sakin nay un daw yung pinkamakinang na bituin (planeta yun, pero sige na nga) sa langit ‘pag gabi.

Napatingin ako bigla sa aspaltong dinadaanan ko. Lubak pala ‘to. Ngayon ko lang napansin. Siguro nga masyado lang akong nawili kakatitig sa taas at kakahanap kay Venus nung kasabay ko pa siya pauwi.

Pero ngayon, mag-isa na lang ako. Iniwan niya na’ko.

* * *

“Umuwi na kaya ako? Eh kaya lang wala pa siya, eh.”

Miyerkules ng hapon nu’n, oras ng uwian. Nagdadalawang isip ako kung sasabay na’ko sa mga kaklase ko o hihintayin ko pa si Mark.

Si Mark. Siya yung taong kumukumpleto ng araw ko. Yung nagpapasaya sa’kin. Hindi ko siya boyfriend, pero parang ganun na rin. At siya ang taong painakamahal ko.

Hangos na hangos na dumating si Mark sa labas ng classroom namin. Halatang tumakbo para abutan ako.

“Oh ano? Tara na.”

Nagtaka naman ako. “Sa’n tayo punta?”

“Wednesday ngayon ‘di ba? Sa simbahan. Simba tayo.”

Unang date, sa simbahan?! Pero sige na nga. As if naman na may magagawa pa’ko. Laking gulat ko ng kinuha niya yung paper bag na dala kong may lamang mga libro. “Ako na,” sabi niya. Para akong matutunaw sa pagkakataong iyon. Haaay.

Nang matatapos ang misa, inalok niya akong ihatid pauwi. Total naman, medyo madilim na rin naman at parho lang kami ng daan. Sana lang hindi pa matapos itong gabing ‘to.

Habang naglalakad palabas, bigla siyang may tinuro sa kalangitan at bumulong ng “Venus oh.”

“Ha?”

“Venus. Ayun oh. Yung pinakamakinang.”

“Asan?” Sabay tinuro niya ulit sa’kin.

“Sa’n mo naman nalaman ‘yan?” Medyo tumatawa ako nung sinasabi ko yun.

“Basta.”

Ang tipid niya talaga magsalita. Iniisip ko minsan kung napapanis na yung laway bito ni Mark o talagang ayaw niya lang akong kausap. Pero sa mga mata niya, alam kong mas marami pa siyang kayang sabihin. Ayaw niya lang ipaalam. Ewan ko kung bakit.

Magkagano’n pa man, basta’t nandiyan siya, masaya na’ko. Nararamdaman ko ko at alam kong mahal niya ako.

Sumakay na kami ng tricycle. At dahil malamig, sumandal ako sakanya. Hindi naman siya tumanggi o umimik. Nabigla ako dahil hinawakan niya ang kamay ko hanggang sa pagbaba ko. Eto na siguro ang pinakamasayang sandali ng buhay ko.

* * *

Ur free Go on ur way nd I’l go myn.

Halos ihagis ko na ang cellphone ko ng mabasa ko ang mga katagang ‘to. Aminado akong ako may kasalanan. At dahil dun, nawal na si Mark sa’kin. Tapos na kami. Tapos na ang kwento namin.

Si Mark yung tipo ng tao na naninindigan sa salita niya lalo na’t alam niyan tama siya. Kung anong pinaniniwalaan niya, hindi mo na mababago yun. Isa dun ay ang hindi pagtiwala sa pagmamahal na binigay niya. Akala niya sapat na ang pagmamahal niya. Mali pala daw siya.

May isa kasi akong hinihingi sakanya eh. Commitment. Hindi niya mabigay yun dahil marami din siyang iba pang commitment. Sa school, sa pamilya at sa mga kaibigan niya. Parang mas importante daw yun at kelangan yun muna ang pagtuunan ng pansin…kesa sa’kin. Aray.

Halos magdadalawang taon na kaming ganito pero hindi pa rin kami opisyal na mag-girlfriend/boyfriend. At kung may tawag ‘dun, exclusively dating at mutual understanding ata.

Hindi rin kami naayos. Hanggang sa tuluyan na siyang nawala.

* * *

Patuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa paradahan ng tricycle. Titig sa taas, buntong hininga, sabay masid ulit sa aspaltong daan. Minsan nasabi niya sa‘kin sa text na eventho wer far away nd Im not around, jas rmmber dat wer undr d seym sky.

Si Venus, wala siya. Hindi ko siya Makita. Baka napagod nang kuminang-kinang sa kalangitan. Nakakatawang isipin pero, tinataguan ata ako. Parang si Mark.

Sadya kong binabagalan ang aking hakbang pauwi. Nagbabakasakaling makasabay ko pa siya…at sabay naming pagmamasdan si Venus sa taas.

1 comments:

GIECEE said...

awww.. that's so sad. :(