Saturday, June 12, 2010

Anika (Part 2)

Kinaumagahan.

“Rise and shine, Nika girl! Male-late ka na naman niyan!” sabi ni Riz sa akin habang inaalog ang double deck na kamang ako lang ang humihiga.

“Anong oras na ba?”

“6:30 na kaya,” sagot ni Ate Joy. Naku lagot na, late na naman ako! Dali-dali kong kinuha ang aking tuwalya at naligo. Pakatapos ay nagbihis, wala ng suklay-suklay, kuha ng bag at kagad na umalis na.

“Bye Ikang beybeh! Baka madapa ka, dahan-dahan!”

Narinig ko yun na sinabi ni Abbie habang pababa ako ng hagdan. Ikang ang tawag sa akin sa bahay. Ayokong may tumatawag sa akin ng ganun dito sa Maynila. Ang bantot pakinggan ng Ikang kesa sa Nika o Anika.

Tumakbo ako papuntang building namin. Buti na lang pwede ako mag-elevator. Iskolar kasi, may I.D., kaya pwede. Pagdating sa ikatlong palapag, pumasok na ako kagad sa kwarto namin.

“Good morning, sir.”

“Guillermo, anong oras na?”

Patay, naiwan ko pa yung relo ko. “Sir, hindi ko po alam.”

“Kaya pala late ka. Sigurado ka bang nakaligo ka ng maayos?”

Tawanan sa buong klase. Naalala kong hindi pa pala ako nakakapagsuklay. Wala rin namang kaso sa akin kasi para ko na ring mga kapatid ang mga kaklase ko.

“You can sit down now Guillermo. At pahiramin niyo siya ng suklay, class,” natatawang pagsabi ni Sir Chua.

Nag-bell na. Hudyat na kelangan na naming lumipat ng kwarto para sa susunod na klase. Nagugutom na ako, hindi kasi ako nag-almusal eh.

“Anika, wala daw si Ma’am Elgar ngayon. May meeting kasi ang faculty eh. Tara, kain tayo?” Basta talaga sa kainan, sila Mark lagi ang kasama ko. Dahil nga Architecture ako, kokonti lang ang babae sa aming klase.

“Sakto, gutom na ako. Tara!”

Lumabas kami ng building at bumili ng footlong sa may gym. Walang kahati. Nakakaubos ako ng isang buong footlong na ako lang mag-isa ang kumakain. May kabagalan nga lang.

“Takaw mo talaga, Anika! Mamigay ka naman. Haha!”

“Loko ka Kevin, eh hindi pa nga ako nag-aalmusal.”

“Eh bakit si Cheenie, hindi rin nag-almusal tapos hindi naman ganyan katakaw?” sabi ni Paolo.

“Iba si Cheenie, nagre-reduce yun. Malamang sasali na naman sa Miss Archi yun.”

“Eh kung ikaw naman ang sumali, Nika? Para maiba naman,” sabi ni Mark habang kumukuha sa footlong ko.

“Uy akin yan! Ayoko nga. Tigilan niyo nga ako. Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan.”

“Haha! Sabi mo eh,” umiling na lang si Paolo. “Oh guys, alam niyo na kung sino bet ng section natin this year ah. Yung babaeng hindi nagsusuklay. Hahahaha!”

“Loko ka, Pao! Shut up!”

Tawanan kami ng tawanan habang kumakain sa may pavilion. Nang maubos ang kinakain ko, hiniram ko ang SLR ni Kevin at kumuha ng konting shots sa mga naglalaro sa field.

Balang araw, makakabili rin ako ng sarili kong SLR. Konting ipon na lang.
Habang kumukuha ako ng mga litrato, napansin ko ang lalake na nasa may food stand sa gym. Matangkad at maputi. Mukhang pamilyar ang itsura. Inangat ko ang camera sa mata ko at inayos ko ang zoom. Habang papalapit ng papalapit ang lens ng camera, lumalapit din ang lalakeng may dalang pizza.

”Hello Ate Dean’s Office! Bakit mo ako kukunan ng picture? Siguro crush mo ako noh?”

“Kuyang makulit? Hindi kita kukunan ng picture, ang kapal mo naman! Sinusubukan ko lang ‘tong camera ni...”

“Keb, pare! Kumusta? Long time no see!” At lumapit siya kay Kevin. Magkakilala pala sila.

“Oh, Lucas! Andito ka pa pala? Akala ko debarred ka na?”

“Baliw! Syempre, hindi pa. Mabait si dean eh,” sabi ni Luke habang napatingin siya sa akin. Iniwasan ko siya at ibinaling ko ang atensyon ko sa camera ni Keb.

Patuloy silang nagkwentuhan ni Keb. Nalaman ko na magkaklase pala sila noong high school sa Ateneo. Bestfriends pa nga sila eh. Coincidence lang ang lahat, Anika. Huwag mo na lang pansinin.

“Luke, nga pala, napasarap tayo ng kwento. Mga kaklase ko nga pala. Si Mark, si Paolo tsaka si Anika.”

“Nice meeting you all,” sabi niya sa amin habang kinakamayan sila Mark at Pao. “Pa’no pare, una nako. May klase pa kasi ako eh.”

“Kami rin eh,” sabi ko.

“Haha. Sige ah, see you around, Anika,” sabi niya sa akin sabay tapik sa likod ko. At umalis na sila ng mga kaklase niya.

“Si Nika, pare, nagba-blush oh,” pabirong sabi ni Mark habang tinuturo kay Kevin ang pisngi ko. Bigla ko itong tinakpan ng kamay ko.

“Oo nga ‘no? Anika, magkakilala ba kayo ni Luke?”

Tumango na lang ako. At habang naglalakad pabalik sa aming classroom, kwinento ko ang mga nangyari kahapon.

***

“Uy Keb, yung lunch ko ha? Sa may Engineering office lang naman ako eh. Okay?”

“Eto talaga si Anika, kung makapag-utos, eh parang laging may alalay,” sagot sakin ni Kevin habang inaabot ko yung pambili ng pagkain.

“Sige ka, di kita papansinin ng isang linggo. Matakot ka na. Haha!”

“Oo na nga mahal na prinsesa. Bibilhan na po.”

“Salamat Keb!” At tumakbo na ako papunta sa Engineering building.

Pagdating ko sa office, inutusan kaagad akong mag-ayos ng mga papel sa desk ni dean. Makalat talaga si dean, lalo na kapag malapit na ang exams ng mga estudyante. Pero sanay na akong ayusin yung desk niya. Dalawang taon na kasi akong nagtatrabaho sa opisina na ito simula ng malipat ako galing library. Alam ko na ag pasikut-sikot at pamamalakad dito. At alam ko na rin kung sino ang pwedeng mabiro at hindi.

Gaya na lamang nitong si Ma’am Arguelles na nakatingin sa akin ngayon. Malaki ata ang galit niya sa akin simula ng matapunan ko siya ng tubig nung baguhan pa lang ako. Hindi ko man sinasadya, di niya na malilimutan yun. Dahil dun, lagi niya na pinagmamasdan ang mga ginagawa ko.

“Aba naman at nagsisipag-sipagan ang iskolar. Nagpapa-impress kay dean? Hoy Anika, ayus-ayusin mo yang trabaho mo ha. Baka naman lumilipad na naman ang utak mo at kung saan mo lang maipatong yang mga papeles ni dean. Nakung babae ka!” Pasinghal na sabi sa akin ng bruha. Wala kasi si dean kaya malakas ang loob niyang sumigaw sa opisina.
Takot din naman sa kanya ang mga kasama ko kaya wala kaming magagawa kundi tiisin siya.

“Sorry po, Ma’am A.,” sabi ko nalang kahit wala pa akong ginagawang kasalanan. Kinuha niya ang folder sa may drawer at umalis kaagad.

Nang matapos kong ayusin ang mesa, eksaktong dumating si dean na mukhang nagmamadali.

“Anika, galing ba dito si Ma’am A.?”

“Opo, sir. Bakit po?”

“May kinuha siyang folder sa drawer?”

“Opo.”

“Naku. Mali yung nadala niya. Eto palang kasi yung updated list na sinasabi ko eh.
Pakidala naman ito sakanya tapos pakikuha yung luma. Salamat, iha.”

“Sige po, sir.” Kahit ayaw kong sundin si dean dahil alam ko na ang mangyayari, kelangan ko pa rin pumunta sa dakilang bruha. Tinignan ko ang schedule at room ni
Ma’am A. sa corkboard at pinuntahan ito. Room 411. ECE Lab.

Pagdating ko ECE Lab, halatang tahimik ang klase. Kilala kasing terror si Ma’am A. Sa klase niya, walang nangangahas magsalita, pwera na lang alam mo ang sasabihin mo at kaya mo itong panindigan.

“Ma’am A., may tao po,” sabi ng isang estudyante habang nakasilip ako sa may pintuan. Lagot na naman ako nito.

“Aba babae, kaya may bibig ang tao eh dapat ginagamit para magpasintabi. O kaya kumatok ka man lang sana. It’s wrong to eavesdrop in a class, Anika.”

“Sorry po, Ma’am A.”

“Sorry po Ma’am A. Whatever. Oh, ano kelangan mo?” Lumapit ako sakanya at inabot ko ang folder. Kinuha ko ang lumang folder na dala niya at uamalis kaagad. Di ko tinignan ang klase kasi alam ko na sila ang nakatingin sa akin. Nakakahiya.
Pagdating ko sa office, bigla kong nakasalubong si Mark.

“Uy, Anika, ang tagal mo naman. Eto na lunch mo oh.”

“Oh, asan si Keb? Di ba siya yung bibili at magdadala nito?”

“Eh, emergency daw eh. May pupuntahan, kaya ako na lang ang nagdala.”

“Teka, may meeting ka pa sa staff di ba? Baka ma-late ka niyan.”

“Hindi na ako aattend. May aasikasunin pa rin kasi ako eh. Sige Anika, kain ka na. Gusto mo samahan kita?”

“Oh sige. Sandal lang ah. Papaalam muna ako kay dean.”

Kahit 15 minutes lang ang break time ko, ineextend yun ni dean kapag hindi pa ako nakakain ng lunch. Alam niya kasing hindi ako nakakapagtabaho ng maayos kapag gutom. Minsan pa nga’y nawalan ako ng malay ng wala sa oras. Ganito kabait sa akin si dean.

“Dahan-dahan lang ng subo kasi, Nika. Baka mabulunan ka niyan,” paalala ni Mark sa akin.

“Eh, naka-kahi-ya kay dean eh. Lag-pas nako ng --- 20 minutes. Ay, tubig!” At muntikan na ngaakong mabulunan.

“Sinabi na kasi eh. Eto oh.” Inabot ni Mark ang tubig ko sa bag. Pagkatapos ko kumain, bumalik na ako sa trabaho at nagpaalam kay Mark.

“Hey, Anika, gusto mo ba ng kasama mamaya sa field?”

“Hindi na Mark, okay lang ako. Mas gusto ko mapag-isa. Tsaka, malayo pa ang Rizal. Ayoko namang tawagan ulit ni Tita Lani. Okay?”

“Ah, okay. Sige.” At umalis na siya sa office.

***

0 comments: